Chapter thirteen ARA Ang lakas ng tama ng alak sa akin, hindi ko na din alam kung ano ang iniinom ko, hindi naman siguro nila lalagyan ang inumin ko g ipinagbabawal na gamot. Hindi ko kase nabasa yung alak na iniinom nila nakishare lang din ako at ang lakas pala ng tama, ang sakit sa ulo at gusto ng sumabog ng pantog ko pero hindi ako makatayo, gusto kong pumuntang banyo pero nahihilo ako. Hindi naman ako masyadong nasusuka, nawawala lang ako sa sarili at nagiging blur ang paningin ko. Hindi ko na mapigilan ang pagihi ko kaya pinilit kong pumunta sa banyo. Ang ibang kasama ko tulog na at ang iba nagtatawanan at halatang lasing na lasing. Gusto ko lang naman mawala ang problema ko kaso problema ko ngayon kung makakarating pa ako ng banyo, napapakapit ako kung saan saan maski na taong