Chapter twelve JUNPEI Inimbita ako ng classmate ko noong elementary dito sa bagong bar na ipinatayo niya, kaso sasaglitin ko lang ito dahil nasa bahay daw si Athena sabi ni mommy, nahihiya naman ako dahil may dinala pang pagkain. Hiya lang kaya ako uuwi agad, walang malisya doon. “ Wow Junpei ibang iba ka na talaga ngayon.” “ Lahat naman nagbabago pwera lang sa ugali.” “ Of course ikaw parin yung matalinong classmate namin noon na pinagkokopyahan namin hahaha.” Nagkwentuhan lang kami dito at binalikan ang mga ala ala sa nakaraan, ang laki nitong resto bar na pinatayo niya at dinadagsa din ng mga tao. “ Congratulations, successful tong business mo.” “ Sana nga magtuloy tuloy pa ito.” Hahanap pa ako ng tsempo mamaya para makaalis na dito sa resto bar, kinukulit din ako ni mommy na