Chapter twenty six JUNPEI Kinausap ko yung HR management namin kung bakit may kumakalat na tsismis tungkol sa amin ni Ara I mean sa past life namin, nagtataka ako kung paano nangyari yun. Dati ko pa naririnig iyon kaso hindi lang ako nangengealam, yun nga lang lumalaki ata ang tsismis, ang daming mga kung ano anog nadadagdag. Inaya kong magbreakfast si Athena, maaga akong nagising dahil maaga siyang pumapasok, siya ang una kong pinuntahan ngayong araw. “ Ang bait naman ng kaibigan ko, nilibre ako ng breakfast.” “ Noon pa naman kita nililibre.” “ I mean ngayon ka lang kase nanglibre ng breakfast ang aga mong nagising para lang masabayan ako.” Ngumiti lang ako, pero sa totoo lang siya ang gusto kong kausapin tungkol sa kumakalat na tsismis sa opisina ko, ayaw ko ng ganun, gusto ko ng