Chapter twenty seven ARA Ginagaya ko lang itong mga kasambahay nila na nasa gilid lang at naghihintay ng iuutos habang kumakain ang mga amo. Ako yung nasa pinakadulo at medyo malayo sa kanila, magkakamukha kase sila kaya ayaw kong lumapit, baka maging magkamukha pa kami. Yung dalawang matanda nagbabanatan kaso noong huli na, napunta nanaman sa pagpaparinig ang usapan, nakakaloka talaga. Natutuwa pa nga ako sa kasweetan nila kaso yung parinig ng byenan kong babae kakaiba din, pinaglalandakan ang kasamaan ko. Hindi ba pwedeng nagbagong buhay na ako? Hindi ba pwedeng nagsisi na ako? Hindi ba pwedeng yung magagandang nagawa ko din ang ipagmalaki, kaso sa tao ngayon sa siyam na nagawa mong mali yung nag iisang mali mo ang nangingibabaw at hindi makalimutan. Umiba ang pakiramdam ko habang