Chapter twenty eight ARA Tatlong araw na akong pumupunta dito sa opisina ni Junpei ngayong linggo at maayos na ang trato nila sa akin, basta maayos na maayos unlike noon na makatingin sila parang manlalamon ng tao. Hindi naman ako takot sa kanila, ang sa akin lang baka hindi kase ako makapagtimpi dahil sa mga naririnig ko sa kanila, yun bang nakakarindi na, minsan kase kahit hindi totoo ang naririnig ko nakakainis din. Kaya mas takot ako sa sarili ko na baka hindi ako makapagtimpi, nasa kompanya pa man din ako ng ex husband ko, kaso ngayon nagbago na ang lahat, hindi naman ako nananaginip dahil tatalong araw ng maganda ang gising ng mga tao dito, na maski ako binabati nila. Tinutulungan pa nga nila ako sa mga inuutos ni Junpei sa akin lalo na kapag may bubuhatin ako, alipin kase tingi