Chapter twenty nine ARA Kasama ko si Junpei ngayon na maggrocery, nahihiya ako kase naman nakita niya akong hingal na hingal kanina at pawis na pawis. Parang nauna na akong magpenetensya kanina. “ Hindi mo ko hinintay.” “ Akala ko kase busy ka.” “ Paano ka uuwi kung may bitbit ka, walang pwedeng masakyan dito.” Oo nga noh? Hindi ko naisip yun kanina, ang dami pa man ding kulang sa bahay niya at syempre bibili na rin ako ng mga kailangan ko, yun kase ang usapan namin kapag naggrogrocery kaso nahihiya ako ngayon dahil marami akong bibilhin. Unlike noon na kahit bumili ako ng kung ano ano ayos lang, ang laki talaga ng binago ng tadhana sa aming dalawa, siya puro blessing samantalang ako binabayaran ko na ang kasalanan ko sa kaniya. Nakakapanlula isipin pero kasalanan ko naman tanggap