REAGAN was sitting at the balcony and watching the dancing waves. It’s a breathtaking scenery but she’s problematic right now. Napabuntong hininga siya. Hindi niya kasi alam kung ano ba ang dapat niyang gawin para malaman niya kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa kapatid niya. Kung buhay pa ba ito o hindi na. Huminga siya ng malalim at tumayo. Habang nakatingin siya sa mga alon na naghahabulan sa dalampasigan, natigilan siya nang parang nakita niya roon ang kapatid niya. Paborito kasi ni Rachelle ang dagat at tuwing pumupunta sila sa dagat kasama ang kanilang magulang, sa dalampasigan kaagad ito pumupunta. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Dalawang linggo na pero wala pang balita mula kay RK. Hindi naman siya pinapayagan ng kasintahan sa beach house nang hindi n

