“ANO ‘TO?” Nagtatakang tanong ni Reagan kay RK nang ibigay nito sa kaniya ang isang folder. Kagagaling lang nila sa bahay ng parents nito at hinatid siya nito sa beach house. Ngumiti si RK. “Open it.” Nagtatakang binuksan ni Reagan ang folder na ibinigay ni RK. Nanlaki ang mata niya nang mabasa ang nakasulat. “This is…” “Pinaimbestigahan ko ang tungkol sa sunog sa bahay niyo noon. Nalaman ko na may nag-tampered ng totoong resulta ng imbestigasyon. Nakalagay diyan kung saang hospital kayo dinalang magkapatid.” Sabi ni RK. Reagan looked immediately at the name of the hospital. Tumayo siya. “Saan ka pupunta?” Tanong ni RK. “Sa hospital.” Mabilis na hinawakan ni RK ang braso ni Reagan. “Gabi na. Magpahinga ka na. Bukas ka na lang pupunta.” “No. I need to go now

