KINABUKASAN ay maagang nagising sina Clyde at Doyzkie, dahil kailangan nilang maligo nang maaga. Pagpasok ni Clyde sa kusina ay ang dalaga agad ang kaniyang unang nakita. "Gandang umaga!" bati niya rito. "Gandang umaga rin! Parang ang saya nang umaga mo, ah!" tugon ni Alonamorhina. "Oo naman! Kasi nasilayan ko si Miss Taray ng buhay ko." Pagbibiro niya rito. "Ganoon ba? Buti naman!" tugon niya sabay talikod nito sa lalaki. Lumabas si Clyde para doon na maliligo at naka-boxer-short lang ang ito at walang suot pang itaas. Nang masilip ito ni Alona ay hindi niya maiwasan ang matuksong pagmasdan ang katawan nito. Lalo na't sa kaniyang mga abs. "Anak, masama 'yang ginawa mo." Nagulat si Alonamorhina nang marinig niya sa boses ng kaniyang ina. "Bakit masama? Ano ba ang ginawa ko, Ma?"