NANG makababa ang dalawang binata ay napansin nila ang dalawang lasing na lalaki. Tila kahina-hinala ang mga kilos nito. Ngunit hindi nila ito pinapansin sapagkat mas importante sa kanila na mahanap agad si Alonamorhina. Nang malampasan nila ang mga ito ay may sumisigaw na isang babae. Narinig ni Clyde ang sigaw na iyon ngunit hindi nila alam kung si Alona iyon. "Partner, narinig mo ba 'yon?" tanong ni Clyde. "Oo, partner, parang banda doon." "Halika!" turan ni Clyde. Patakbo na binalikan nila ang dalawang lalaki para magtanong. Nang makalapit na sila ay napansin nila na naging balisa ang mga ito at palingon-lingon sa paligid. "Pare, may narinig ba kayong sigaw ng isang babae?" tanong ni Clyde. "Huh! A-----wa----wala naman!" kandautal nitong sagot na parang kinabahan. "Sigurad