Episode 34: Kasiyahan Ng Grupo Ni Nocky

1501 Words

TUMUGON naman sa pagyakap ang mama niya habang mahigpit rin itong yumakap. "Kumusta na ang pakiramdam mo, Ma?" tanong ni Clyde. "Medyo okay na, Clyde. Salamat sa pagsagip sa buhay namin. Siguro kung hindi kayo dumating baka patay na kami." "May lead na kami kung sino ang nasa likod ng pang-aambang sa inyo, Ma," pahayag ni Clyde. "Ang kapatid ni Monique," si Alona ang sumagot. "Bakit daw? Ano ang kasalanan namin sa kaniya?" malungkot na tanong ni Aling Liziel. "Hindi pa namin alam kung may kinalaman ba dito si Monique. Pinuntahan namin siya ngayon. Pero wala siya sa sarili, ewan kung totoong nasisiraan siya ng bait o nagbaliw-baliwan lang ba ito," turan ni Alona. "Ma, iyong lalaking muntikan na manghalay sa iyo ay patay na. Pinasok siya sa loob ng kwarto at nilason," kuwento ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD