SINUNOD ng dalawa ang utos ni Nocky, dahil na rin sa suhol na inaalok sa kanila, bumalik sila sa loob ng hospital upang magmanman. Habang papasok na sila ay mayroong sasakyan na huminto sa sa tapat ng entrance at may nakasulat na NBI. Palihim na kinalabit ng isang lalaki ang kasama niya at sabay senyas sa likuran. "Sh*t!" bulalas nito at lumiko sila ng daan at kunwaring magtanong sa nurse station. Pumasok ang anim na taga-NBI, nang makalampas ito sa kanila ay palihim nila itong sinundan upang alamin kung tama ba ang hinala nila na doon ito sa binugbog nila pupunta. Hindi nga sila nagkakamali dahil lumabas ang lalaking sumaklolo sa tatlo. Dali-dali silang bumalik at agad na lumabas. "Pre, mukhang mahihirapan tayo sa inutos ni boss sa atin," pahayag ng lalaki. "Oo nga. Laylo muna tayo