HINDI agad nakakapagsalita si Nocky dahil kinabahan siya sa nalaman nito. At iniisip niya kung ano ang dapat gawin. "Huwag kang mag-alala, Ate Monique, ako na ang bahala sa kanila," aniya rito. "Basta pinaalalahanan kita mag-ingat ka," paalala niya sa kapatid. Hanggang sa natapos ang oras ng visiting hour at umalis na si Nocky. Sakto naman sa pagsakay niya sa sasakyan nito ay nag-ring ang phone niya. Sinagot niya agad ito dahil ang tauhan niya ang tumawag. "Ano ang balita?" tanong niya sa kabilang linya. "Boss, confirmed. Nasa hospital siya ngayon at may mga pulis na naka bantay sa kaniya." "Gawan n'yo ng paraan para tuluyang manahimik. Baka ikakanta tayong lahat. Ayaw ko ng sabit, kaya gawin n'yo ng malinis," pahayag ni Nocky. "Sige, boss. Gagawin namin iyan sa lalong madalin