NATAHIMIK sandali si Ayesha at biglang naalala ang mommy niya at ang Tito Nocky nito. "Hindi kaya si Mommy ang may pakana nito? At si Tito Nocky ang inutusan niya?" pipi niyang tanong sa sarili. "Hello… nandyan ka pa Ayesha?" naka tatlong sambit si Alona. Napukaw ang diwa ni Ayesha sa pangatlong tawag ng kapatid niya. "Y-yeah… I'm still here!" tugon nito, at nagkandadautal ito. "Ayesha, may problema ka ba?" malumanay na tanong niya nito. "Wala, Ate Alona, may iniisip lang ako." "Ano iyan?" Tila naghihinala si Alona. "Ate Alona, may i-send ako sa 'yo na picture. Tingnan mo kung isa siya sa lalaking umatake sa mga magulang mo," pahayag sa kabilang linya. "Sige. Baka makatulong iyan sa agarang paglutas sa kasong ito. By the way, may hinala ka ba kung sino ang tumawa nito?" tanong