NAPANSIN si Mang John na hinihila ng isang lalaki ang asawa niya at sapilitang dinala sa likod ng sasakyan, masama agad ang tumatakbo sa isip niya. "John… John…" sigaw ni Aling Liziel, habang nagpupumiglas siya. "Liziel…" ganti nitong sigaw na pilit niyang puntahan ang asawa para sana saklolohan ang asawa niya. Subalit biglang pinalo ang kanyang likod dahilan sa pagbagsak niya ngunit bilit pa rin itong gumagapang para puntahan si Liziel, duguan na rin ang ulo niya. "Tama na! Ano ba ang kasalanan namin?" tanong ni Ismael, at bugbog na ito sa dalawang lalaki. Patuloy si Liziel sa pakikipaglaban sa isang lalaki na pilit siyang pinahiga at pinupunit ang damit niya habang walang tigil sa kakasigaw. SAMANTALA, tanaw ni Alonamorhina sa hindi kalayuan ang isang babae na puwersahan na hi