KASALUKUYAN pang kumain ang dalawa nang biglang nag-ring ang phone, dali-dali siyang naghuhugas ng kamay upang tingnan kung sino ang tumawag. Nang matanto nito na ang mommy niya ang tumawag ay agad niya itong sinagot. "Yes, Mom?" "Nasaan kayo?" mahinahong tanong sa kabilang linya. Nandito pa kaming Alona sa market, Mom." "Market? Ano ang ginagawa ninyo dyan?" pagtataka na tanong nito. "Si Alona gustong kumain ng street food. Ito kumain rin kami ng balot," tugon niya sa kabilang linya. "Balot? Kailangan ka pa natutong kumain ng balot?" muling tanong ng ina, dahil ang pagkakaalam niya ay hindi kumakain ang anak niya ng balot. "Just now, Mom. Ang takaw kasi ni Alona, kaya sinubukan ko rin at masarap pala!" aniya. "Really?" Tila hindi makapaniwala si General. "Really, Mom. In