NAGPATULOY si Clyde sa pagkukuwento niya tungkol sa nakaraan nila ng kapatid niyang si Princess. At seryoso naman na nakikinig si Doyzkie dahil gusto niyang makilala nang lubos ang babaeng napupusuan niya. "Masayahin siyang bata, mapagmahal, at higit sa lahat over protective sa akin. Siya ang tibo ng isang batang hindi nagpapatalo, lalo na pagdating sa grades niya. Kailangan lagi itong mataas. Dahil sa pagiging practical niya ay maraming naaasar sa kaniya na mag-aaral. Kaya laging pinapatawag ang aking ama. 'I heard about what happened, Ma'am?' Kahit laging pinatawag si Daddy at Mommy ay hindi nila magawan pagalitan ang aking kapatid dahi alam nilang nagsasabi ito ng totoo. At tagang nangangatuwiran siya." "Siya 'yong nauna! Tinapon niya pencil case ko at hinila niya iyong buhok ko!"