"Everyone, sa Wednesday niyo gawin 'yan, At dapat sa Wednesday ay mapasa na ang drawing at dapat rin ay mag-perform kayo. Sabihin niyo sa parents ninyo, okay?" pahayag nh teacher nila bago sila dinis-miss. "Hmp! Pasayaw pangit naman ang sasayawin!" wika ni Princess sa mahinang boses. "Ano! May sinasabi ka?!" asik ni Laura, habang nakatingin ito nang masama sa kanya. Hindi ito sinagot ni Princess at inikutan niya lang ito ng mga mata niya. "Kala mo naman maganda ang gawing drawing, hmp!" ganting sabi ni Laura, sabay alis at sumama sa mga kaibigan niya. Two days later ay excited na excited si Princess na pumasok dahil tapos na siya sa drawing niya at maipakita niya ito sa teacher niya ng at maipagmamalaki niya rin ito kay Laura. Hinatid ni Clyde si Princess at Jhapdel sa classroom nila