PANSAMANTALANG naputol ang pagsasalaysay ni Clyde dahil uminom pa ito ng beer. Naging curious naman si Doyzkie sa binatilyo na si Laurence at muli siyang nagtanong kay Clyde, kung nasaan na ang lalaki ngayon o nagkikita ba sila ni Laurence for how many years after. "Dude, nasaan ngayon si Laurence? Nagkikita ba sila?" "Nagkita sila sa debut ni Princess. Umuwi sila ng kapatid niya para lang maka-attend." DAY OF SUNDAY "Little Princess, wala ka bang balak na i-invite si Laura at Laurence sa debut mo?" seryosong tanong ni Clyde sa kapatid. "Hmmm... pag-isipan ko pa," simpleng tugon niya sa kanyang kuya. "Oo nga, cousin. Imagine best friend mo iyon!" sabat ni Jhapdel, at nakangiti ito na tila nang-aasar. "Shut up!" Sabay taas ng isang kilay niya. Kasalukuyang nasa pool ang tatlo a