Hindi na umuwi ang lalaki at tinawag na lang niya ang kaniyang ina tungkol sa pagsama niya bukas. Hindi naman tumanggi si General sa anak niya. Sumapit ang gabi at natulog nang maaga ang mag-asawa dahil napagod ang mga ito sa mga gawain ng restaurant. At dahil hindi makatulog si Clyde ay umakyat siya sa itaas at kumatok sa kuwarto ng nobya. "Sino 'yan?" boses ni Alona. "Ako mine!" tugon nito sa mahinang boses upang hindi marinig sa ibaba. Binuksan naman agad siya. "Bakit?" bulong niyang tanong sa nobyo. "Puwedeng pumasok?" nakangiting turan nito, ngunit nakaharang na ang kaniyang isang paa sa pinto. "Hindi!" tugon ni Alona, sabay hila niya sa kamay ni Clyde at lihim na nagtawanan ang dalawa. Binuksan ni Clyde ang telebisyon at pagkatapos ay umupo sa kama ng nobya. Tinawag naman