Sinalubong ng mag-ina ang paparating na panauhin at pareho itong nagsalubong ang mga kilay. "Anong ginagawa ninyo dito?" tanong ni Donya Monique. "Hindi naman siguro fiesta ang pinunta namin dito Donya Monique! At hindi kayo ang ipinupunta namin dito, kung 'di ang makikilamay kami kay Don Marino," pamilosopong tugon ni Alona. "Lumayas kayo! Wala kayong lugar dito! Layas! Mga hampas lupa!" Pagtataboy ni Ayesha. "Pasalamat ka Ayesha, dahil lamay ito ni Don Marino, kung 'di ay pinatulan na kita!" tugon ni Alonamorhina. Lalabas na sana sila nang bigla silang pigilan ng abogado ni Don Marino. "Sandali! Huwag kayong umalis, dito lang kayo," anang abogado. "Wait, attorney! Wala kang pakialam kung ayaw namin silang patuluyin dito. Kami lang ang may karapatan sa pamamahay na ito!" turan ni