NATAPOS ang pag-uusap ng mag-ina at nangako naman si General na protektahan nila ang dalaga. Kinabukas ay maagang nagising si Clyde dahil 'yon ang unang araw ng kanilang trabaho at kailangan niyang pansamantalang magpaalam kay Alona. Kumatok siya sa kuwarto nito. "Alona..." sambit niya sa labas ng pinto, binuksan naman siya ng dalaga. "Bakit?" tugon nito at bahagya lang sumilip. "Aalis na kami," paalam niya rito. "Saan ang punta ninyo?" malungkot nitong tanong. "Sa hacienda, natanggap kasi kami," pormal at malumanay niyang tugon. "Mabuti naman kung ganoon, ingat kayo doon." "Mag-ingat ka palagi dito, ha. At huwag kang umalis na mag-isa. Mamaya may darating dito na magbabantay sa 'yo," bilin niya rito. "Sino? Bakit?" gulat na tanong ni Alona. "Mainit pa ang panahon, Alona. At