Hanggang sa makaalis na silang tatlo para magsimba. Simpleng casual na damit ang suot ni Alonamorhina na lutang ang hubog ng katawan niya. Nakadughay ang mahabang buhok nito. Lalong napahanga si Clyde na walang make-up ang babae dahil may sariling angking ganda ito. Ngunit kung titigan ang mga mata niya ay magkahawig ito kay Ayesha. Kung magkasama ang dalawa ay talagang hindi maipagkakaila na magkapatid sila. Pareho ang dalawa nakuha nila ang mata ng kanilang ama. Dahil wala silang sasakyan ay hiniram ni Clyde ang service ng bodyguard ni Alona at hindi na niya ito pinapasama. Sapagkat kaya niyang protektahan ang babae. Hanggang sa makarating na sila sa simbahan at magkatabing nakaupo si Clyde at Alona. Si Doyzkie naman ay katabi ni Clyde sa kabilang bahagi. Napasiko na wala sa oras si