Episode 13: Ayesha Flirting To Clyde

2141 Words

"Kung okay ka, bakit nakasimangot ka?" tanong ni Clyde. "Hindi naman," aniya. "Anong hindi?! Tingnan mo nga sa salamin, oh!" wika niya at sabay harap sa center mirror para makita ni Alona ang kaniyang mukha. Tumingin naman siya sa salamin pero si Doyzkie ang kaniyang nakikitang nakangiti kaya napangiti na rin siya. "Clyde..." sambit ni Alona. "Hmmm?" "Sa tingin mo sino kaya ang pumatay sa dalawa?" pagtatakang tanong niya. "Ang pumatay ay hindi ko alam pero ang nag-utos sigurado ay maimpluwensyang tao," turan nito. "Tama! At sigurado malaki ang galit niya dito,"sabat naman ni Doyzkie "Sobra naman kung ganoon," anang dalaga. "Malakas ang kutob ko na ang isusunod nito ay iyong tatlong nakakulong, insan," turan ni Clyde. "Malamang mangyayari iyan, insan," pagsang-ayon ni Doyzkie

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD