KUMUNOT ang noo ni Clyde sa sinabi ni Ayesha. Hindi niya akalain na ganito pala ka practical ang babae. "Alam mo ba, seńorita? Kahit mahirap lang ako pero marunong akong tumingin sa isang matinong babae. At ang pinakaayaw ko iyang ugali na tulad mo. Masyado kang ma-flirt!" turan ni Clyde. "You know what? Wala akong ginusto na hindi ko nakuha. Mayaman ako, kaya kitang bihisan, kaya kitang bilhin." nakangiting pagyayabang niya. "Pwes! Ibahin mo ako, señorita. Dahil hindi mo ako kayang bilhin at kaya kong bihisan ang sarili, sa sarili kong sikap. At ipaalala ko lang sa 'yo, señorita, na hindi ikaw ang mayaman. Ang ama mo lang ang mayaman at huwag na huwag kang mapagmataas nang sobra dahil baka mabalian ka kapag ikaw ang bumagsak." Nainis naman si Ayesha sa kaniya. "Hindi ka lang mahirap