Dahil araw ng mga puso ay niyaya ni Clyde ang mga magulang ni Alona na sumama sa kanila na magsimba. Ayaw sana ni Aling Liziel, dahil kailangan niyang matapos ang mga kurtina. Sapagkat gagamitin na ito sa susunod na Linggo. "Aling Liezel, Linggo ngayon at higit sa lahat ay Valentine's po ngayon. Kaya sumama na kayo sa amin. Sagot ko ang araw na ito," pahayag ni Clyde. "Magastos lang 'yan, Clyde, baka magkulang ka pa," katuwiran ni aling Liziel. Ngunit dahil sa mapilit si Clyde ay napilitang sumama ang mag-asawa at nagsisimba nga sila. Si Doyzkie naman kahit walang ka-date ay masaya pa rin ito. Dahil wala naman siyang nobya at isa lang ang kanyang natipuhan si Princess Yellah. Ang kapatid ni Clyde. Hanggang sa makarating sila sa simbahan at bago pa man sila nakapasok sa loob ay tumawa