XELLONIA POV LUMIPAS ang mga oras na puno ng sayawan, tawanan, at kʼwentuhan ay unti—unti na rin akong nakaramdam ng pagod. Napatingin ako ng palihim sa phone ko at nanlaki ang aking mga mata nang makitang, alas—diyes naʼng gabi kaya pala nakakaramdam na ako ng pagka—antok. “Baby ko, anong tinitignan mo dʼyan—” Tinago ko ang aking phone at tinignan si daddy Vill. “Inaantok ka na ba?” mahinang tanong niya sa akin. Tinignan ko siya at tumàngo. Ayokong magsinungaling sa kanya lalo naʼt asawa ko na silang dalawa. “Sinasabi na nga baʼt inaantok ka na. Kanina ko pa ring nakikitang humihikab ka. Gusto mo na bang umuwi?” tanong niya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi kaya umiling ako sa kanya. “O—of course not, daddy Vill. Nakakahiya naman kung uuwi agad tayo—” Hind

