XELLONIA POV NAKAUPO na kaming tatlo sa backseat ng wedding car namin. Nanginginig ang aking magkabilang kamay dahil kasal na kaming tatlo. Hindi ako makapaniwala. Naramdaman kong may humawak sa aking kamay kaya nawala gaano ang pagnginig nuʼn. “Why are you shaking, baby ko?” tanong ni daddy Vill.sa akin. Napataas ang tingin ko sa kanya. “H—hindi lang ako makapaniwalang kasal na talaga ako... Kasal na ako sa inyong dalawa, daddy Santi and daddy Vill,” mahinang sabi ko sa kanya. Kinuha nila ang magkabilang kamay ko at dinala sa kanilang labi. “Maniwala ka na, my munchkin. Kasal ka na sa amin. Amin ka na ni Vill at wala ka ng kawala pa,” sabi naman ni daddy Santi sa akin. “I—I know! Naniniwala naman na ako, daddy Santi and daddy Vill! Naniniwala akong kasal na ako sa inyo...” mahin

