XELLONIA POV “SI SANTI PO?” Nanlalaki pa rin ang mata ko nang tanungin ko iyon sa kanya, kaya tumango muli siya sa akin. “Yes, siya nga, Hija. Nanuntok siya noong elementary silang dalawa. May umaway kasi kay Vill pero napakatahimik ng isang iyon kaya si Santi ang gumanti. Na—guidance kami nuʼn.” Nakita ko ang saya sa mukha ni mom Bianca, parang proud pa siya. “Totoo po bang si Santi ang unang nanuntok noong elementary po silang dalawa?” Tumango—tango pa siya sa akin. Napataas pa nang malakas si mom Bianca sa akin. “Hindi lang isang beses, Hija.” “Wala ng maitatago sina Santi and Vill kay Xellonia, Bianca. Sinabi mo na ang lahat tungkol sa kambal nating anak!” Napatingin si mom Bianca kay dad Sebastian na tahimik naman umiinom ng wine. “Mana sa mom,” sabi niya nang matapos siyang

