XELLONIA POV NAWALA ang tingin ko sa basong pinaglalaruan ko at bigla akong nagulat nang biglang namatay ang mga ilaw sa paligid. Napatingin ako sa paligid pero wala akong makita, sobrang dilim talaga. “A—anong nangyayari?” bulong ko sa aking sarili. Wala pa rin talaga ako nakikita. Teka lang, mag—isa lang ako rito sa table namin. Nasaan na ba kasi ang mga kasama ko? Pilit kong makakita or makaaninag man lang kahit sobrang dilim sa paligid pero nawala rin iyon nang biglang may liwanag na kahit papaano. Napansin kong lahat ng guests ay nakatayo at nagtataka, kitang—kita ko ang kanilang mukha sa pʼwesto ko. Hanggang biglang may tumutok na spotlight sa gitnang ng hall, at doon ay nakita ko sina daddy Santi and daddy Vill. Parehong may hawak na microphone. “Anong ginagawa nila?”

