XELLONIA POV NAKANGITING ako nang malaki habang nakatingin sa paligid dahil hindi pa rin tapos ang pagbati nila sa akin. “Congratulations, Xellonia, Santi and Vill!” “Congrats!” “Kailan ang wedding ninyo?” “Welcome to Lazaro family, Xellonia!” Kanya—kanya ang naririnig ko mula sa mga kamag—anak nina daddy Santi and daddy Vill. “S—salamat po,” nauutal na sabi ko habang nagpapasalamat sa lahat. Bigla akong nahiya dahil todo ang iyak ko kanina tapos hindi ko alam kung maayos pa ba ang makeup ko, baka magulo na. Kailangan kong pumunta sa restroom ngayon para makita ang mukha ko. Nakakahiya talaga. Bakit kasi may pa—ganito pa sina daddy Santi daddy Vill? Sapat naman na iyong proposal nila sa bahay. Yumuyuko pa rin ako at nagpapasalamat sa bawat bati na naririnig ko. Ang dami talag

