XELLONIA POV AKALA ko ay maghihintay pa kami nang ilang minuto, pero agad na tumayo si daddy Santi sa tabi ko. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makita kong huminto siya sa gitna nina mom Bianca and dad Sebastian. “Anong gagawin niya?” tanong ko kay daddy Vill na hindi pa rin umaalis sa tabi ko. Tinignan niya ako at nagkibit—balikat sa akin. “Mom, dads, aalis na po kami. Inaantok na si Xellonia,” sabi ni daddy Santi sa magulang nila. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni daddy Santi. Aba, ginamit pa niya ako. Eh, sila itong gusto ng umuwi, ʼdi ba? Loko talaga itong si daddy Santi. Nakita ko tuloy na napatingin sa akin si mom Bianca, hindi lang siya maging sina dad Sebastian and dad Valentino. “Inaantok ka na ba, Xellonia?” tanong ni mom Bianca sa akin. Hindi ko

