XELLONIA POV
LUNES na lunes ay parang may giyera na muli sa bahay namin. Nakatingin ako sa pinto ng kʼwarto habang naririnig ang malakas na boses ni Mama.
“Sino nga ang kumuha ng pera ko, Raffy? Tayo—tayo lang naman ang nandito!”
“Hindi ko alam, Gina! Wala akong kinukuha sa pera mo! Alam mo iyan. Hindi ko pinapakialaman ang perang tinatago mo!”
Napailing na lang ako nang marinig ang salitang pera. Isa lang naman ang kumukuha ng pera sa amin, si kuya Randy. Para sa pang—scatter niya.
Tumayo na rin ako para makapaghanda sa pagpasok sa campus. Wala naman na ginagawa, pero mas okay ng nandoon ako kaysa nandito dahil maririnig ko lang ang away nila palagi.
Kinuha ko na ang towel, underwear at uniform ko, lumabas ako sa kʼwarto hanggang marinig kong nagsalita si kuya Randy.
“Bakit hindi natin tanungin si Xellonia? Baka siya ang kumuha ng pera mo, Mama?”
Napahinto ako sa paghakbang nang marinig ko iyon. “What? Bakit naman ako kukuha ng pera ni Mama, kuya Randy?” usal na tanong ko sa kanya.
“Narinig kitang kailangan mo ng pera para sa review center ba iyon? Malay natin na baka kinuha mo para gamitin doon?” Nakita ko ang pagngisi niya sa akin.
“Xellonia, kinuha mo ba? Nasa 2K din ang naipon ko sa paglalabada ko!” asik ni Mama sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata.
“Hindi po ako ang kumuha. Hindi ko nga po alam kung saan nakalagay ang pera ninyo, Mama. Sino ba ang may alam kung nasaan ang pera ninyo?” balik na tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang mata niyang nag—iisip. “Si Randy,” usal ni Mama sa tanong ko.
“Bingo! Si kuya Randy lang po ang may alam kung nasaan ang pera ninyo maliban sa inyo. Kaya paniguradong siya ang kumuha at pinang—scatter na naman po katulad sa pera na dapat ay pambayad sa tubig,” paliwanag ko sa kanila.
Nakita ko ang mukha ni Papa. “Ano? Kaya wala tayong tubig dahil pinang—scatter ng anak mo ang pambayad!” Si Papa na ang galit ngayon.
Paano naman kasi si Papa ang always nag—iigib kapag wala ako. At, mukhang hindi nila sinabi na pinang—scatter ni kuya Randy ang pera.
Napangisi ako nang makitang tatakas na si kuya Randy. “Papa, Mama, tatakas na si kuya Randy dahil siya talaga ang kumuha ng pera ninyo.” malakas na sabi ko at tinuro siya.
Nakita ko ang mukha niyang galit sa akin at pinanlilisikan pa ako ng kanyang mga mata.
“Randy, huwag kang umalis!”
“Bwisit kang bata ka! Puro ka scatter!”
sabay ba sabi nina Mama at Papa habang hinahabol ngayon si kuya Randy.
Ako pa ang ituturo niya, ha?
Asa siya!
Lumakad na lang muli ako papunta sa banyo namin hanggang madaanan ko si kuya Gino. “Mag—iingat ka kay Randy dahil paniguradong babawi ang isang iyon, Xellonia.” babalang sabi niya sa akin kaya tumango ako sa kanya.
Alam ko naman iyon dahil natamaan ko ang kanyang ego.
Wala naman akong pake kung bumawi siya sa akin.
Kapag nakahanap ako ng work, aalis ako rito.
Dumating ako sa campus na nagugutom na. Nagdadalawang isip ako kung pupunta ako sa canteen para humingi ng pagkain, pero walang magagawa ang aking hiya, ʼdi ba?
Lumakad ako roon at pumasok sa staff only door, pagbukas mo pa lamang ay nakita ko na agad si ate Mona. “Nandito ka pala, Xellonia. Gusto mong kumain?” Nakangiting tanong niya sa akin kaya dahan—dahan akong tumango sa kanya. “Naku, huwag kang mahiya. Taraʼt pumasok ka rito para kumain ng almusal mo. Once a staff canteen, always a staff canteen. Tandaan mo iyan.”
Tumango ako sa kanyang sinabi. “Salamat po talaga, ate Mona.” Nagugutom na talaga ako.
Nang matapos akong makakain ay nagulat akong makita si Cathy na palapit sa akin ngayon. “Xellonia, kumusta ang pag—apply mo?” Nakangiting tanong niya sa akin.
Napangiwi ako nang marinig ang tanong iyang iyon. Iyon talaga ang iniiwasan ko.
“So, tanggap ka? Kailan ka mag—uumpisa?” tanong niya muli sa akin.
Huminga akong malalim at tinignan siya. “Ah—eh, hindi ko sure kung tanggap ako sa Flavor of the Month Bar, Cathy. Mukha kasing bad mood na si Manager Phil ng ako na ang sumalang kaya sinabi niyang tatawagan na lang niya ako,” sabi ko sa kanya.
“Ay, mukhang bad trip nga si Manager Phil. Sayang naman, pero huwag kang mawalan ng pag—asa, Xellonia. Malay natin ay tawagan ka talaga.” Tinapik niya ang aking balikat.
“Sana nga talaga, pero nakaka—bad trip din kasi nang pauwi na ako ay may na—encounter naman akong lalaking lasing na lasing. Amoy na amoy sa buong katawan niya ang kalasingan. Kadiri!” sabi ko sa kanya.
“Gwapo ba iyong lalaking nakita mo, Xellonia?” Nakita ko kung paano nagningning ang kanyang mga mata.
Inaalala ko ang nangyari ng araw na iyon. “G—gwapo. Oo, may itsura ang lalaking iyon—”
“Hala, Xellonia, baka iyon na ang lalaki na para sa iyo! Alam mo ba ang sikat ngayon sa social media? Iyong organic encounter?” sabi niya sa akin.
“Anong organic encounter? Sakit ulo encounter kamo, Cathy!” bulalas na sabi ko sa kanya. “Hindi tuloy ako nakauwi sa kanya after nuʼn dahil tinulungan ko pa siya papunta sa Police Station kaya halos hatinggabi na ako nakauwi sa amin. Mabuti na lang talaga ay tinulungan ako ng mga nakita ko rin na tao sa parking lot ng bar dahil kung ʼdi, iniwan ko ang lalaking iyon sa gilid ng Flavor of the Month Bar!” bulalas na sabi ko sa kanya.
“Organic encounter nga iyon, Xellonia! If ako sa iyo, hanapin mo ang lalaking iyon! Baka siya na ang the one mo!” Kinikilig niyang sabi sa akin.
Napailing ako sa kanyang sinabi. “Gaga ka talaga, Cathy! Oh siya, pupunta na ako sa department ko. Alis na ako, ha?” paalam ko sa kanya.
Organic encounter with him? Base sa mukha niya ay langit siya at ako itong nasa lupa lamang.
At, impossible ring magkita muli kaming dalawa.