XELLONIA POV
“XELLONIA!”
Nangunot ang noo ko nang makita ko si Karen, ang isa sa mga scholar na katulad ko at isa rin na kinikilala kong kaibigan sa campus.
“Karen, bakit?” tanong ko sa kanya.
Hinawakan niya ang aking kamay at hinila papasok sa loob ng classroom namin. Pumunta kami sa sulok nito at nakita ko sa mga mata niya ang ngiti.
“Um, anong mayroʼn, Karen? Mukhang masaya ka yata?” tanong ko sa kanya. “Lumabas na ba ang result sa pag—apply ng latin honors?” dagdag na tanong ko sa kanya.
Ang head professor namin ang nag—apply sa amin for latin honors.
Umiling siya sa akin. “Hindi pa, Xellonia. Iba iyong sasabihin ko sa iyo. Nalaman kong naghahanap ka ng work, ʼdi ba?” tanong niya sa akin.
Mukha naman kasing alam ng lahat na naghahanap talaga ako ng trabaho. Alam nila ang estado ng buhay ko.
“Um, oo, naghahanap ako ng work for review center and LET exam. May alam ka ba, Karen?” tanong ko sa kanya.
“Mayroʼn, Xellonia. Gusto mo bang maging kasambahay? Stay in! Mababait ang mga amo ko. Nangangailangan kami ng isa dahil may umalis noong isang araw. So, ano, tara?” Nakangiting sabi niya sa akin.
Nagningning ang mga mata ko nang marinig ang salitang stay in. “S—stay in? A—are you sure? Kasambahay lang, ʼdi ba? S—sige. Pumapayag akong mag—apply bilang kasambahay ninyo. Kailan ako pʼwedeng mag—apply?” tanong ko sa kanya.
“Kung gusto mo ay mamaya, Xellonia? Alam kong nasa bahay ngayon ang isa sa mga amo namin. Mamaya after uwian ay samahan kitang mag—apply,” sabi niya sa akin.
“S—sige, Karen. Mamayang uwian. Sana matanggap ako dʼyan. Kailangan ko talaga ng trabaho para may pang—review center and LET exam ako,” saad ko sa kanya.
Na—compute ko na kasi lahat—lahat na pʼwede kong gastusin sa LET exam, umaabot iyon ng 5K. Malaki—laki rin iyon at pang—isang buwan ko iyong sahod sa karinderya.
“Matatanggap ka roon, Xellonia. Maniwala ka lang.” Tinapik niya ang aking kamay.
“Sana nga.”
Baka kasi matulad ito sa Flavor of the Month Bar na 50/50 ang chance kong ma—hire.
Naghihintay akong matapos ang school hours namin dahil mamaya ay sasama naman ako kay Karen para sa pag—apply ko bilang kasambahay ng mga Lazaro.
Mababait ang mga amo niya kaya hindi na rin ako kinakabahan.
Isa pa ay stay—in iyon kaya malalayo ako sa bahay namin na maingay. At, pʼwede pa ako makapag—review tuwing Saturday and Sunday katulad ni Karen.
Sana lang talaga matanggap na ako.
Nakaramdam ako ng pagtapik sa akin kaya napalingon ako sa likod, nakita ko si Karen. “Xellonia, tara na?” tanong ni Karen sa akin.
“S—sige, Karen. May dala naman akong resume ko rito.” Mabuti na lang ay always akong may dala sa bag dahil sa bawat na madadaanan ko na may hiring ay bibigyan ko ng resume ko.
“Tara?”
Tumayo na ako at sumabay sa kanyang paglalakad. Napakapit ako nang mahigpit sa strap ng aking bag dahil heto na naman ang pamilyar na nararamdaman ko, ang kaba.
“Karen, sure ka bang mababait ang amo mo?” tanong ko sa kanya habang palabas kami ng campus.
“Oo, mababait talaga sila, Xellonia. Hindi naman ako tatagal doon kung hindi sila mabait. Lahat ng Lazaro ay mabubuti ang puso.” sabi niya sa akin.
Ganito rin ang narinig ko kay Cathy noong nag—a—apply ako. Mabait at paniguradong matatanggap ako, pero kasalungat nuʼn.
Nakalabas na rin kami sa campus at naghihintay na lang kami ng jeep papunta kung saan man siya nakatira ngayon. Nang may dumating na jeep ay pinara na niya iyon. “Ako na ang magbabayad ng pamasahe natin, Xellonia.” sabi niya sa akin at tumàngo ako sa kanya.
Mabuti na lang ay sinagot na niya ako. Nagtitipid talaga ako ng pera.
“Xellonia, pagkarating pala natin doon ay iiwanan na kita sa living room, magta—trabaho na kasi ako pero sinabihan ko naman na iyong Master ko na papunta tayo today kaya naghihintay na sila sa pagdating mo roon.”
Sila?
Ah, naalala kong mag—asawa pala ang amo nitong si Karen.
“Hihintayin ko lang sila roon sa living room, Karen? Then, doon na ako i—interview—hin?” tanong ko sa kanya.
“Yes, Xellonia. Doon na raw. Basta relax ka lang, okay?” sabi niya sa akin at tinapik—tapik ang aking balikat. “Kaibigan kita kaya huwag kang mag—alala.”
Huwag mag—alala.
Sana ganoʼn din ang nasa isip ng utak ko ngayon.
“Manong, para po!” malàkás na sabi ni Karen at siyang paghinto ng jeep sa tapat ng isang convenience store.
“Nandito na tayo?”
Tumango siya sa akin. “Oo, Xellonia. Nasa kabilang side iyong village kung saan sila nakatira.” Tinuro niya ang kanilang side at nakita ko roon ang village na tinutukoy niya, Lazaro Village.
Tumawid kami sa kabilang side at sinusundan ko lang si Karen papasok sa village. Iniisip ko na baka harangan kami pero tuloy—tuloy lang si Karen at binati pa niya ang security guard at dire—diretso na kaming pumasok sa village.
“Kilala ka na rito?” tanong ko sa kanya.
Tumango siya sa akin. “Oo, always din kasi akong lumalabas kaya kilala ko na ang lahat ng security guard dito. Kaya labas—pasok na lang ako rito. Tara na? Medyo malayo—layo pa ang lalakarin natin, nasa pang—apat na street pa sila sa right side.”
Tumango ako at mabilis na lumakad katabi. Kaya ang ginawa ko na lang ay tumingin sa paligid, ang lalaki ng mga bahay nila.
Ganito siguro kapag nasa village. Nagkaroon muli tuloy ako ng pangarap sa buhay ko, ang magkaroon ng ganitong kalaking bahay.