CHAPTER 19

900 Words
XELLONIA POV HUMINTO na si Karen sa paglalakad sa isang malaking bahay ngayon. Napatingin ako roon. “Karen, heto na ba ang bahay nila?” tanong ko sa kanya na nasa tapat na kami ng kulay blue and white na house. “Oo, heto na iyon, Xellonia. Dito ako nagta—trabaho. Mabait ang mga amo ko at maging ang kasamahan ko. Nang sabihin sa aming naghahanap sila ng kasambahay, nag—volunteer na ako, na ako ang hahanap dahil naalala kita. Kaya huwag kang kabahan.” Huwag kabahan? Lalo na ako kinabahan dahil sa nalaman ko sa kanya. Nag—volunteer talaga siya na siya ang hahanap ng new kasambahay dahil sa akin? Kailangan ko nga talagang galingan. Nag—doorbell na si Karen at hindi rin nagtagal ay may nagbukas nuʼn, may nakita akong isang babae. “Ikaw lang pala, Karen...” Napatingin siya sa akin. “Siya ba ang sinasabi mong kaibigan na mag—a—apply bilang kasambahay?” tanong niya kay Karen pero ang kanyang tingin ay nasa akin pa rin. “Ah, opo, ate Hazel! Si Xellonia po ito, kaklase ko ay running Magna c*m Laude po siya kaya tinutulungan kong maghanap ng work para may pang—LET po siya. Mabait and mapagkatitiwalaan din po si Xellonia.” Pagmamalaki niya sa akin. Bigla tuloy ako lalong kinabahan. “Ganoʼn ba? Pumasok kayo at papuntahin sa living room ang kaklase mo. Tawagin ko lamang si Master Santi.” “Okay po, ate Hazel. Salamat po. Ako na bahala kay Xellonia po,” sabi ni Karen at lumakad na rin kaming dalawa. Nakita ko ang paligid na ang daming flowers. “Mahilig sa flowers ang amo ninyo, Karen?” tanong ko sa kanya. “Oo, Xellonia. Nandito na tayo sa living room.” Nangunot ang noo ko nang makita ang paligid, ang lawak ng living room. “Maupo ka lang dʼyan, Xellonia. Pababa na rin ang Master namin. Nagchat naman na ako na papunta tayo at tinawag na rin siya ni ate Hazel,” sabi niya sa akin. Napatingin ako sa sofa na super puti, baka madumihan ko ito. “Xellonia, Maupo ka na dʼyan.” sabi niya muli sa akin at tinuro ang sofa sa likod ko. “Pʼwede ba itong upuan?” tanong ko sa kanya. “Oo naman, Xellonia. Oh siya alis na ako, ha? Bye! Duty ko na kasi.” sabi niya sa akin at lumakad na paalis, iniwan na niya ako. Kaya kahit nag—aalinlangan ako ay naupo na rin ako. Baka kasi madumihan ko ang sofa nila. Nakakahiya naman. Nakaupo na ako rito sa sofa na katulad ng sinabi ni Karen sa akin na maghintay. Sinabi niyang pababa na raw ang amo niya kaya maghintay ako rito. Napatingin ako sa buong paligid nang makitang sobrang ganda ng bahay at mukhang mamahalin ang mga design na naka—display sa paligid. Dapat lang ba nila akong maiwan dito? Paano kung magnakaw ako? Impossible rin na makapagnakaw ako lalo naʼt napansin kong ang daming CCTV sa buong paligid. Mahihirapan ako. Saka hindi rin ako magnanakaw, ano. Napa—straight ako ng pagkakaupo nang may nakita akong bumababa from second floor, siya iyong babae na kausap ni Karen kanina. “Ikaw ba ang kasama ni Karen?” tanong ng babae sa akin. Tumango ako sa kanya. “Ah, opo!” nakangiting sabi ko. Mabilis ba siyang nakalimot? Kakakita lang niya sa akin kanina, ha? Tinignan niya ako sa aking mga mata. “Maghintay ka na lang muna dʼyan. Pababa na si Master Santi.” sagot niya sa akin. Ngumiti muli ako sa kanya. “Okay po.” Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kanya. Nakatayo pa rin ako hanggang nakita ko siyang papalàyø na at saka muli ako naupo. Sobrang lambot ng sofa nila, para akong nakaupo sa cotton. Ganoʼn ang pakiramdam ko ngayon. Nagmasid—masid muli ako sa paligid dahil pinapamilyar ko ang aking sarili sa bahay na ito. Panigurado namang matatanggap na ako rito, ʼdi ba? Gusto ko na rin kasi magkaroon ng trabaho. Awa na lang talaga sa akin. Napa—straight muli ako ng pagkakaupo nang bumalik muli iyong kausap ni Karen kanina, ano nga muli pangalan nito? Alam ko H nag—i—start. “Magtubig ka muna. Alam kong naglakad kayo nang malayo ni Karen. Hintayin mo na lang si Master Santi, may tinatapos pa kasi siya sa kanyang office room.” Tumango muli ako. “Salamat po sa tubig.” Kinuha ko na iyon at ininom. Kanina pa rin kasi ako nauuhaw. Umalis na muli siya at hindi rin nagtagal ay may narinig na akong yapak na pababa. Napalunok ako habang hinihintay na bumaba iyon hanggang nakita ko na ang isang lalaki. Nangunot ang aking noo at naningkit ang aking mga mata nang makitang pamilyar ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Teka, parang kilala ko siya, ha? Napakiling ang aking ulo pa—kanan habang iniisip kung saan ko siya nakita, hanggang maalala ang mukha niya. “Ah, siya iyong lasing sa Flavor of the Month bar,” kausap ko sa aking sarili. Siya nga iyon! Hindi ako pʼwedeng magkamali. Siya iyong lalaking tinulungan. Mukhang pumapanig na sa akin ang mundo dahil paniguradong tutulungan na niya akong magkaroon ng trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD