XELLONIA POV
NASA harapan ko na ang lalaking tinulungan ko sa Flavor of the Month Bar. Lalo ko na na—confirm iyon na siya dahil nakita ko na siya nang malapitan.
Nakita ko ang seryosong mukha niya na nakatitig sa akin ngayon. Hindi ba niya ako naaalala?
Hello, ako lang naman ang tumulong sa kanya noong lasing na lasing siya. Baka nakakalimutan niya?
Teka, baka nga nakalimutan niya dahil lasing siya nang gabing iyon.
Biglang nawasak iyong mga naisip ko kanina na baka ma—hire ako dahil tinulungan ko siya.
“So, who are you?” baritonong sabi niya habang tinitignan ang buong pagkatao ko.
Para akong dumadaan sa x—ray machine ngayon dahil sa kanyang malagkit na tingin sa akin.
“Hello, who are you?”
Napapitlag ako nang tumunog ang kanyang daliri. “Um, g—good day po, Mr. Lazaro. A—ako po si Xellonia Clemente. Kaklase po ako ni Karen at currently graduating this year as Filipino Teacher sa Lazaro University po. May experience na po ako sa pagta—trabaho dahil nag—parttime po ako sa canteen ng campus then sa karinderya po na malapit sa amin, pumapasok din po ako as staff nila. Kaya kaya ko pong maging kasambahay rito. Kaya ko po mag—stay in,” mahabang sabi ko sa kanya.
Nakatingin pa rin siya sa akin pagkatapos kong magpakilala nang mahaba sa kanya. “Ah, ikaw ba ang sinasabi ni Karen na dadalhin niya para maging kasambahay namin?” baritonong tanong niya sa akin.
Tumango ako sa kanya at ngumiti nang malaki. Inayos ko ang aking mukha at pinakita ang malaking face ko. Baka kasi maalala niya bigla once na mamukhaan niya ako, kaya ginawa ko ay tinali ko ang aking hair.
“Ako nga po, Mr. Lazaro. Ako po si Xellonia. Ako po ang tinutukoy ni Karen. Nice to meet you again!” Inemphasize ko ang salitang again para malaman niyang nagkita na kami at itatanong niya ako kung bakit may again sa sinabi ko, then sasagutin ko siya na ako ang tumulong sa kanya noong lasing na lasing siya sa Flavor of the Month.
Tama ang naisip ko, ʼdi ba?
“Ah. Kaya mo ba talaga maging kasambahay namin?” Naningkit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
Nakita kong walang effect ang pagtali ko sa aking buhok.
Sabihin ko na ba sa kanya ang totoo? Na tinulungan ko siya kaya dapat i—hire niya ako as his kasambahay?
“Of course, kaya ko po! Kayang—kaya ko!” madiin na sabi ko sa kanya.
Ang kanyang mga mata ay nakatingin pa rin sa akin. Manyak ba itong magiging boss namin?
“Base sa tingin ko... Hindi mo kaya ang pagiging kasambahay, Miss Xellonia.”
Namilog ang aking mga mata sa kanyang sinabi. “P—po? Hindi ko kaya maging kasambahay? Bakit ninyo naman sinabi ang ganoʼn, Mister?” tanong ko sa kanya. Kinakabahan na ako dahil malaking chance na hindi na naman talaga ako makuha?
“Bakit ko nasabi? Ayon sa aking mga mata. Nakikita ko sa mga mata ko na hindi mo kaya maging kasambahay namin, Miss Xellonia.”
Napakuyom ang aking kamay nang makita ang mga mata niyang kumikislap at tumaas pa ang sulok ng kanyang labi.
Nang—aasar ba siya?
Huminga akong malalim at ngumiti sa kanya. “Base lang sa mga mata ninyo, Mister? Kahit hindi ninyo pa nakukuha ang curriculum vitae ko po? Parang mali naman po yata iyon?” reklamo ko sa kanya.
Wala akong pake kung pagsabihan ko siya kahit siya ang magiging boss ko once na pumasok ako rito.
Gusto ko lang talaga magkaroon ng trabaho.
Kailangan ko na talaga ng trabaho!
“Kahit hindi ko na kailangan makita ang resume mo, Miss Xellonia.”
Confirmed. Pinaglalaruan talaga niya ako.
Inayos ko ang aking buhok at ngumiti nang malaki sa kanya. “Hoy, Mister!” malakas na sabi ko sa kanya. Punong—puno na ako sa kanya dahil sa inaasal niya ngayon. “Baka hindi mo ko naaalala, ano? Ako lang naman ang tumulong sa iyo noong lasing ka! Sana pala hindi na lang kita tinulungan noong gabi na iyon! Sana hinayaan kitang nakahandusay sa gilid ng Flavor of the Month Bar! Wala ka man lang utang na loob! Aalis na ako! Marami pa namang works na naghihintay sa akin. Bwisit ka!” madiin na sabi ko habang nagtitimpi ako na tadyakan ang gitnang parte niya.
Imbis na magalit siya ay ngumisi lang siya sa akin.
Lahat ng Lazaro na nakasasalubong ko ay mababait, pero siya ang bukod tanging masama ang ugali.
“Argh, bwisit ka!”
Hindi na ako nakapagtimpi na bulyawan siya at mabilis ko rin siyang tinalikuran. Mukha naman niya akong hinahamak at kinukutya base sa tingin niya.
Hindi porket mayaman siya ay kailangan na niya akong kutyain? Kung hindi lang talaga ako nangangailangan ng pera, hindi ako maghahanap ng trabaho sa kanya.
Karen, masama ang ugali ng amo mo.
Dapat lang talaga hindi ko siya tinulungan ng gabing iyon.
Dapat lang talaga. Hindi yata gumagana sa kanya ang magandang ginawa sa iyo ay dapat ibalik mo
Bwisit!