XELLONIA POV NAALIMPUNGATAN ako nang may kumati sa aking hita, kinamot ko iyon at dahan—dahan kong minulat ang aking mga mata. Naramdaman ko ang kama na sobrang lambot. Tahimik din ang paligid. Nang luminaw na ang aking mga mata ay napakurap ako habang naaaninag ang kisame. Teka, nasaan ako? Hindi ito ang kisame ng kʼwarto ko. Napakurap—kurap ako at doon ay tuluyan akong nagising. Napalingon ako sa paligid at bigla akong napabangon nang makitang hindi nga ito ang kʼwarto ko sa headquarters. “Nasaan ako?” bulalas na sabi ko habang naglilibot ng tingin at doon ay naalala ko na kung nasaan ako. “Master bedroom?” tanong ko sa aking sarili. Patuloy pa rin ang paglibot ng aking mga mata sa buong kʼwarto. Ito ang kʼwartong matagal ko ng nililinisan. Iyong kʼwartong bawal galawin nang

