XELLONIA POV NAPAYUKO ako sa kanilang sinabi. Ramdam ko ang bigat sa kanilang boses na dalawa. “Alam ko iyon... Alam kong unang asawa ninyo si Penelope, daddy Santi and daddy Vill. Maliban doon, wala na. Wala na akong alam,” sagot ko sa kanilang dalawa. I heard daddy Villʼs sighed. “Alam namin iyon, baby ko. Iku—kʼwento ko kung anong nangyari sa kanya...” Muli siyang huminga nang malalim. “Namatay siya three years ago,” mahinang sabi ni daddy Vill sa akin. “Mahina ang immune system niya simula bata pa lamang siya.” Tahimik ang buong kʼwarto ngayon. “At kahit anong gawin namin...” dagdag ni daddy Santi habang umiigting ang kanyang panga. “We couldnʼt save her, my munchkin. Naging worst ang immune system niya. Kaya sobrang nalungkot kami sa nangyari... Hindi lang iyon dahil hindi man

