XELLONIA POV “XELLONIA, yari talaga tayo. Paano natin haharapin sina Master Santi and Master Vill?” tanong ko sa aking sarili. Napalunok at huminga nang malalim, at saka tumingin sa paligid ng hallway. Wala pang tao. Kaya mabilis akong lumakad at hinanap ang aking hotel room, pero nagulat ako nang nasa tabi lang ng nilabasan kong hotel room. Pumasok ako nang mabilis sa aking hotel room habang hawak ang bag ko, nakita ko iyon sa lapag. “Ha!” Napahawak ako sa aking puso nang makapasok sa ako loob ng hotel room. Nagkamali nga ako ng hotel room na pinasukan. Magkatabi ang room namin nina Master Santi and Master Vill, pero paano bumukas iyon? Naguguluhan ako. Agad kong sinara ang pinto at napasandal doon. Napatahimik ako. Pero ang t***k ng puso ko ay sobrang lakas pa rin, walang tigi

