XELLONIA POV NANGUNOT ang aking noo nang may maramdaman akong mabigat sa aking tiyan. Hindi ko iyon pinansin kaya bumaling ako sa kabilang side, pero bigla akong may naramdaman na sakit sa aking katawan. Tiniis ko ang sakit dahil nga inaantok pa ako. Pero hindi ko na kinaya kaya dahan—dahang nagmulat ang mga mata ko dahil hindi tumitigil ang sakit ng aking katawan, lalo na sa aking pagitan ng hita ko. Napangiwi at napakunot ang noo ko nang marahang gumalaw ako sa kama. “Aray...” mahina kong bulong. Grabe ang sakit na nararamdaman ko, tumatagos sa aking buto. Napahilot ako sa aking pagitan, minasahe ko iyon nang dahan—dahan. Inaantok pa ang isip ko kaya ayoko pang tumayo at ang aking mga mata ay halos nakapikit muli. Siguro napagod lang ako kahapon... Sa swimming... Sa water activ

