SANTI POV “MATINO ang usapan natin kagabi, Santi. Maaga tayo pupunta sa cemetery kaya bakit tulog ka pa rin nang abutan kita sa bedroom mo, ha?” malakas niyang sabi sa akin. Nakita ko ang masungit niyang mukha na nakatitig sa akin ngayon. Nakatayo na ako ngayon sa gilid ng bed frame ko habang binubungangaan niya ako. “Wala kang sinabi kung anong oras tayo aalis, Vill. Sinabi mo lang sa akin na morning. Walang time.” sagot ko sa kanya. Hindi ko rin akalaing 7AM pa lang kami aalis. Sobrang aga. Kami ba ang magbubukas ng cemetery? “Sinabi ko naman na maaga kaya dapat gumising ka pa rin maaga! Maligo! Baka hinihintay na tayo ni Penelope.” Napatango—tango ako sa kanyang sinabi at pumasok na rin sa loob ng bathroom ko. Ayoko na ring sumagot dahil hahaba lang itong pag—uusapan namin ni Vill

