SANTI PO VILL: Call or chat me kapag magpapasundo ka na, Santi. Pinagbigyan lang kitang uminom dʼyan. Huwag kang gagawa ng gulo, okay? Napailing na lang ako sa kakambal ko nang makita ang chats niya sa akin. Ako, gagawa ng gulo? Dapat siya ang pagsabihan ko tungkol doon. Baka nakalilimutan na niya noong first death anniversary ni Penelope, siya ang nakipagsuntukan noong nag—inuman kami kasama ang pinsan at pamangkin namin. Naawat lang siya dahil hinawakan namin ang magkabilang kamay niya, may bangas din ako nang araw na iyon dahil nasuntok niya ako nang inaawat ko siya. Kaya sana okay lang talaga siya? Napailing na lang ako habang lulan na ako nang binook kong TNVS. Nagtitipa na ako ng message ko pabalik sa kanya. Santi: I know. Huwag mo ng ipaalala sa akin! Dumbass! Nakaratin

