SANTI POV
NANG makapagbayad ako ng aking bill ay pinilit ko nang bumaba sa second floor. Napansin ko pa ang mukha ng waiter na nasa harapan ko ngayon.
“Sir, ayos lang po ba kayo? Mukhang lasing na lasing po kayo,” sabi niya at halos pigilan ako sa pagbaba.
Tinignan ko siya habang naniningkit ang aking mga mata. “Iʼm okay. Hindi ako lasing, nakainom lang ako. Papunta na rin ang twin brother ko para sunduin ako,” sabi ko sa kanya.
Binaba niya ang kanyang kamay kaya lumakad muli ako kahit nanlalabo at umiikot ang aking paningin. Lalo pa ako nahilo nang tumama ang lights sa aking mukha. I
Kailangan ko na talagang umalis dito.
Sa labas na lang ako tatambay para hintayin ang pagdating ni Vill.
Nakahinga akong maluwag nang makalabas na ako sa Flavor of the Month Bar na halos pasuray—suray ang lakad ko, halos hindi ko na nga makita ang aking dinadaanan ko sa loob. Napapikit ako nang makitang sobrang liwanag naman dito sa parking lot.
Napahawak ako sa gilid ng hindi na kinakaya ng aking mata ang daan, pero kailangan kong maghintay kay Vill, alam kong parating na ang isang iyon. Kaya lumakad na muli ako hanggang napasubsob ako sa gilid.
“Fudge!” malakas kong mura nang may maramdaman akong sakit sa aking katawan.
Napalingon ako sa likod at doon ay nakita kong may humps pala sa dinaanan ko, hindi siya napansin dahil black and yellow nitong kulay.
“Argh!” ungot ko nang may maramdaman talagang sakit sa katawan ko.
Napapunas ako sa aking labi at doon ay may nakita akong dugo. “Fudge, nagkasugat pa nga ako!” madiin na sabi ko habang nakatingin sa aking kamay kung nasaan ang dugo.
May naririnig akong naglalakad, kailangan kong humingi ng tulong sa kanya. “Hmm...” Pilit kong gustong magsalita pero masakit ang labi ko.
“Pusanggala!”
Narinig ko ang malakas niyang mura, babae ang boses na iyon.
“H—help...” sambit ko sa kanya at pilit siyang inaabot, pero sobrang labo ang tingin ko sa kanya.
Pero, ang malabong tingin ko kanina ay biglang luminaw nang maramdaman kong may sumampal sa akin.
Napapitlag ako at muling napatingin sa aking harapan, may nakita akong isang babae na kumakaway sa aking harapan ngayon.
“Mister? Mister?”
Paulit—ulit niyang sabi sa akin kaya tanging nasagot ko lang ay isang isang ungot. “Hmm...” Hindi ko kayang magsalita dahil masakit pa rin ang sulok ng labi ko.
Napapikit muli ako nang may tumamang liwanag sa mukha ko, sobrang nakakasilaw.
“Argh, lulong ka pala ng alak!” Narinig ko ang malakas niyang sabi.
Teka parang pamilyar ang kanyang boses.
“Sino ba ang kasama mo, Mister?”
Narinig ko muli ang kanyang tanong. “Kasama? Wala akong kasama.” Gusto ko sana sabihin iyon sa kanya, pero wala talagang ganang magsalita ang aking bibig.
Naramdaman ko ang kamay niyang may nilagay sa sulok ng labi ko. “Band—aid niyan. Huwag mong galawin,” paninita niya nang hahawakan ko sana iyon.
Alam ko na kung bakit pamilyar ang boses niya... Bakit nga ba?
Dinilat ko muli ang aking mga mata hanggang makita ko sa aking harapan ang yumao kong asawa. “P—pene...” mahinang usal ko habang nakatingin sa kanya.
Nakita ko ang mukha niyang nag—aalala sa akin. “Nag—aalala ka ba sa akin? Bumalik ka na sa amin para hindi na ako maglasing araw—araw.” saad ko sa kanya at gusto ko siyang abutin para man lang mayakap siya nang mahigpit.
“Pene?” Nawala si Pene nang marinig ko muli ang boses ng babaeng nasa harapan ko. “Mister, wala ho akong pera, okay? Baka ikaw mayroʼn... Mukhang mayaman ka naman base sa suot mo ngayon.”
Anong pinagsasabi niya?
“Hey, Mister, may kasama ka po ba?” tanong niya muli sa akin. “Mister, huwag kang matutulog, ha? Hindi ko alam kung sino ang kasama mo! Ang laki mo pa naman tao!”
Malaking tao?
Sino? Ako?
“Mister , may kasama ka po ba? Kung mayroʼn, nasaan ang mga kasama ninyo? Bakit hinayaan ka nilang nandito sa madilim na parte ng Flavor of the Month Bar? Ano pala ang pangalan mo?” tanong niya sa akin pero nakatitig lang ako sa kanyang mukha.
“Mister, maghintay ka rito, ha? Hahanap ako ng tulong. Hindi kita kayang ihatid ng police station dahil ang laki mong tao kaysa sa tulad kong payat. Hahanap ako ng tulong.”
Nakita ko ang kanyang pagtayo kaya hinawakan ko siya. “D—donʼt...” Huwag mo kong iwan muli.
Gusto ko sanang idugtong pero hindi na naman bumubuka ang bibig ko
Nakita ko ang pagtataka niya nang mapahinto siya at napailing sa akin. “Anong donʼt go, Mister? Hinahanapan na nga kita ng tulong para makarating tayo sa police station kasi hindi kita kayang buhatin. Kaya anong donʼt go? Aba, Mister, pagod na ako, ha? Kaya stay there, okay?” malakas niyang sabi sa akin at tinabig ang aking kamay.
Napasandal muli ako sa pader habang nakita ko ang rehistro ng kanyang katawan na tumatakbo palayo sa akin.
No, huwag mo kong iwan, Pene. Huwag mo kong iwan.