XELLONIA POV NANG mawala na sina daddy Santi and daddy Vill, naglinis naman ako sa master bedroom namin, ako pa rin ang naglilinis dito lalo naʼt sa akin talaga naka—toka ang bagay na ito. Nagpalit na ako ng bedsheets and pillow case, katulad ng araw kung kailan ako nagpapalit nang mga panahong wala pang natutulog dito. Nang matapos ay saka ako nag—vacuum at pinagpagan ang ibang gamit namin hanggang inabot ako ng dalawang oras sa paglilinis. Hindi nga ako na pawisan dahil bukas ang aircon sa kʼwarto, ayaw ipa—off nina daddy Santi and daddy Vill dahil ganoʼn din naman daw, wala naman madadagdag sa bill ng kuryente dahil naka—solar kami. “Maʼam Xellonia, ako na po rito sa labahan ninyo,” sabi ni ate Inday sa akin nang makasalubong ko siya. Hinihingi niya sa akin ang hawak kong marumi

