XELLONIA POV ILANG araw na ang nakalipas simula nang maging engaged kami nina daddy Santi and daddy Vill. At kahit officially Fiancée na nila akong dalawa ay wala pa ring nagbago sa ilang routine ko rito sa bahay. Katulad ngayon na papunta na ako sa kitchen para paglutuan sila ng kanilang lunch. “Daddy Santi and daddy Vill, mauuna na ako sa inyo, ha? Magluluto pa ako ng lunch ninyo!” malakas kong sabi sa kanila habang silang dalawa ay parehong nasa walk—in closet pa namin. “Copy, baby ko!” malakas na sabi ni daddy Vill. Hindi na ako sumagot sa sinabi nila at lumakad na ako palabas ng kʼwarto naming tatlo. Bumaba na ako nang makita ko si ate Inday na nagpapalit ng pillow case. “Good morning po, ate Inday!” nakangiting bati ko sa kanya. Napatigil siya sa pagpalit ng punda at tinigna

