XELLONIA POV MAGTATANONG pa sana ako nang may narinig kaming kotse at doon ay nakita namin ang security car ng village na ito. Maya—maya lamang ay dumating na rin ang village security, hindi ko alam kung sino ang nagtawag sa kanila, pero bigla kong naalala si Karen na nag—thumbs up pagkalabas sa main door. “A—anong nangyayari? Set—up ba ito, ha?” malakas na sabi ni Mama nang may lumapit sa kanyang mga security village. “Hindi set—up it, Mrs. Clemente. Pinapaalis lamang namin kayo kaya nagpatawag ako ng security guard para ma—assist kayo palabas ng village namin,” kalmado pa rin ang boses ni daddy Santi habang nagpapaliwanag siya kay Mama. Sinenyasan na ni daddy Santi ang mga guards kaya hinawakan na nila si Mama. Si Papa naman ay nasa likod lamang, kalmado siya. Sumunod si Papa sa

