I am not a good runner but I think I have reached the room within just a couple of minutes. Eksaktong pagsara ko ng pinto ng banyo ay ang pagkakabagsak ko sa sahig. Biglang nawalan ng lakas ang aking mga binti kaya hindi ko na naalalayan pa ang aking balanse. Ilang minuto pa ay ramdam ko ang pagbabago ng aking mga binti at sa paglipas pa ng ilang segundo ay napalitan iyon ng isang bagay na akala ko ay matagal ko pang makikitang muli. Nasaksihan ng aking dalawang mata kung paano naging gintong buntot ang kanina lang ay balingkinitang mga binti at paa. Kasabay noon ay ang pag-iinit ng magkabilang sulok ng aking mga mata at ang pagdaluhong ng hindi maipaliwanag na takot at kaba sa aking dibdib. Mabagal na nagsipatakan ang luha sa aking mata at sa bawat pagpatak nito ay ramdam ko ang pa

