Mabilis na lumipas ang oras. Hindi mapuknat ang ngiti ko simula umaga hanggang tanghali ngunit pagdating ng hapon ay wala nang mapagsidlan ang kaba na nararamdaman ko. I feel like my heart is about to come out from my chest. Nabibingi na rin ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Sigurado rin ako na nanlalamig ang aking palad. “Bakit hindi ka pa po nagbibihis, mommy?” tanong ni Chantal. Nakamasid siya sa akin gamit ang kanyang mga inosenteng mata. Ang mga mata niya na hindi mo magagawang pagsinungalingan dahil iniisip mo pa lang ay ikaw na agad ang masasaktan. Marahang hinaplos ko ang kanyang buhok habang may alanganing ngiti sa labi. “Maliligo ka ba talaga, baby? Hapon na. Malamig na rin ang tubig. Baka sipunin ka pa.” Nandito kami sa labas. Sa papag na nasa ilalim ng mayabong na p

