“Remember what we have agreed upon, baby…” bulong ko kay Chantal para ipaalala sa kaniya ang pinag-usapan namin kanina. Kasalukuyan kami ngayon na pabalik na sa mansion. Bago pa maging masakit ang sikat ng araw sa balat ay nagpasya ako na pumasok na muna. Halos mag-iisang oras din kami rito sa labas at siyempre kasama na rin doon ang usapan namin pati na rin ang pilitan na naganap kanina. “Okay, okay. I will zip my mouth. Promise!” wika niya sa natatawang boses. Itinaas pa niya ang kaniyang kanang kamay bilang patunay. Napangisi ako. Bahagya ko ring inayos ang bulaklak na nakaipit sa kaniyang kaliwang tainga. Kanina kasi ay pumitas ako ng isang kulay pulang rosas na nadaanan namin sa hardin. Tinanong ko pa siya kung pwede bang kumuha roon kahit isa at ang sabi niya a

