Ilang sandali pa ay nakabalik kaming muli sa mansion. Nahiya naman agad ako nang makitang tumutulo pa ang tubig mula sa akin nang makatapak sa pinto. “You are unbelievable, bro! Hindi ko man lang maramdaman ang pagiging welcome ko rito sa bahay mo.” Napalingon ako nang marinig na magsalita ang kanyang kaibigan. Ipinaparada nito ang wheelchair ni Chantal sa gilid. Sa halip na sumagot ay ako ang hinarap ni Austine. Hindi naman nakatakas sa aking mga mata ang mabagal na pagtulo ng tubig mula sa kanyang buhok pababa sa kanyang katawan. Parang bigla ay gusto ko siyang tulungan na punasan iyon. Napalunok din ako ng laway dahil pakiramdam ko ay bigla akong nauhaw. Kung hindi pa siya tumikhim ay hindi pa ako mag-aangat ng tingin. Kita ko ang multo ng ngiti sa kanyang labi kaya naman

